K+12 babantayan ng ALAM

BABANTAYANG mabuti ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang pagpapatupad ng gobyerno sa programang K+12, ito ang pahayag ni ALAM Chairman Jerry Yap.

Ani Yap, maganda sana ang nasabing programa kung handa at maayos ang curriculum para sa mga mag-aaral at training sa mga guro.

Marami umano itong ipinapangakong reporma ngunit wala namang sapat na pondong inilaan para dito, kaya malaki ang posibilidad na pumalpak ito.

Dati na umanong magulo ang unang araw ng klase ngunit lalo pa itong gumulo ngayong taon lalo pa at lumaki ang populasyon ng mga estudyante sa public school lalo na sa kindergarten.

Matatandaang nagsimula na ang klase sa mga pampublikong iskwelahan noong Lunes, June 4, kung saan nagkaroon ng kaunting kaguluhan at kalituhan tungkol sa pagpapatupad ng K+12 program.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply