Kababaihan nagkakalat ng scandal video vs E-VAW

INLUNSAD ng grupong Gabriela ang hi-tech na kampanya para mapukaw ang kamulatan ng publiko ukol sa electronic violence against women o E-VAW dulot ng paglaganap ng intenet-based and mobile communications.

“Isang naka-aalarmang moda ang E-VAW. HIndi alam ng maraming kababaihan na binibidyo na pala ang kanilang intimate moments at kalat na sa internet. Mas malala ang E-VAw dahil paulit-ulit ang nararanasang rape ng biktima dahil sa video sharing,” ayon kay Joms Salvador, deputy secretary general ng Gabriela.

‘Kailangang na nating komprontahin ang usping ito, maghain ng batas na totohanang magpaparusa sa mga gumagawa ng E-VAw. Kailangan din kumilos na ang netizens na maging aktibo kampanyador laban sa bagong porma ng violence laban sa mga kababaihan.

Inilunsad ng grupo ang kampanya kaalinsabay ng tinaguriang social media day.

Hinimok ng Gabriela ang mga may facebook na dagdagan ng salitang ‘scandal’ g kanilang mga profile last name at gamitin ang mga art work ng kampanya para sa kanilang profile photo hanggang Hulyo 6.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply