Kabaliw ito: Jodi at Iwa nagpalitan ng papa

IBINULGAR ni Iwa Moto sa isang talk show ang pang-aahas na ginawa umano sa kanya ni Jodi Sta. Maria. Nagmakaawa pa raw siya sa huli na huwag agawin sa kanya si Mickey Ablan pero walang nangyari. At dahil hindi siya pinansin ng magaling na aktres, dumiretso siya sa mister nitong si Pampi Lacson at dito nagsumbong.

After two years, natsismis na naman ang live-in partner ni Iwa kay Janna Dominguez at nabuntis pa raw nito. Inaaway-away ni Moto si Dominguez pero hindi rin sila nagkabalikan ni Mickey.

Hanggang sa lumipat ang sexy starlet sa TV5 mula sa GMA-7, at dito ay nakilala niya si Leandro Munoz. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa ngunit bumalik naman sa Amerika si Leandro at naiwang luhaan ang dalaga. Sobrang nasaktan daw si Iwa.

Kamukat-mukat mo’y heto’t pinangangalandakan ng huli na sila na ni Pampi, ang dating asawa ni Jodi. Nung magsumbong yata ang hitad sa anak ni Sen. Panfilo Lacson ay may pumintig na sa kanyang puso. Hindi lamang nito pinansin dahil sa isyung agawan na nangyayari two years ago.

Ngayon, ayon pa kay Iwa, suportado raw siya ni Pampi sa pagbubulgar na ginawa nito sa nasabing talk show. Kaya raw nagdadaldal pa ang dalagang may lahing Japanese sa inaamag ng isyu ay dahil tila binabaliktad daw siya ni Ms. Sta Maria. S’ya raw ang lumalabas na nang-agaw.

Kabaliw ang lipatan ng pugad na itetch! Ano ba ang nangyayari sa mga taong ito? Si Jodi naman daw ngayon ay maligaya sa piling ni Kapitan Jolo Revilla. Kawawa naman daw ang iniwan ni Kapitan na si Kris Bernal. Nagdurugo ang puso nito dahil umasa siya sa wala. Pa’no naman daw kasi, nagkahiwalay lang sandali sina Jolo at ang magaling na aktres e, pumasok sa eksena si Kris. Nang bumalik sa piling ng Kapamilya star ang actor/politician ay naiwan tuloy sa kangkungan ang Kapuso talent. Hahaha!

***

Teleserye Queen Judy Ann Santos magbabalik-primetime

ANG nag-iisang ‘Queen of Teleserye’ na si Judy Ann Santos ay magbabalik na sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa teleseryeng “Against All Odds.”

Makakasama ni Judy Ann sa nasabing proyekto ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Sam Milby, KC Concepcion, John Estrada, Mylene Dizon, Jessy Mendiola, Joseph Marco, Bryan Termulo, Susan Africa, Mr. Tirso Cruz III at Ms. Coney Reyes.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply