Kaching!

TALAGA nga namang sa lahat na yata ng ahensya ng gobyerno dito sa atin ay hindi na mawawala ang palakasan. Tulad na lamang ng desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buhayin at ibigay ang 489 prangkisa ng dating Pantranco North Express na mahigit 20-taon na expired sa isang grupo na nagmamay-ari ng ilang bus lines. Iisang pamilya lamang ang may-ari nito, ang mga Hernandez ng Victory Liner Group.

Plantsado na dapat ito kundi dahil sa reklamo ng GV Florida Bus Lines, Dagupan Bus Lines, Saulog Transit, Partas, at Baliwag Transit na sumulat kay DOTC Secretary Mar Roxas. Ayon sa kanilang reklamo, ipinatitigil nila ang kontrobersyal na desisyon ng LTFRB dahil umano sa “indecent haste” o ‘di pangkaraniwang pagmamadali sa pagboto ng mga miyembro ng board ng LTFRB. Ang DOTC at LTFRB ang mismong nanindigan noon pa man na iligal buhayin ang mga nasabing luma at patay na prankgisa.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Jaime Jacob, kinompirma niya ang pag apruba ng LTFRB board sa pagbuhay ng mga prangkisa at pagbigay ng mga ito sa Victory Liner Group ngunit siya’y bumoto laban sa desisyon. Siya’y tinalo ng dalawang board members na sila Manuel Iway at Samuel Julius Garcia.

Opinyon kaya talaga ni Atty. Jacob na mali ito o para lamang ‘di naman lantaran ang transaksyong naudlot?

Ang halaga ngayon ng isang prangkisa ng bus ay P500,000. Aba, ayon sa balita ay ibinenta ng LTFRB sa halagang P150,000 kada isang paso o expired na prangkisa ng Pantranco. P73,350,000 ang kabuuan nito na babayaran pa lamang sana o nabayaran na ng Hernandez family ng Victory Liner Group.

Kaching! Paki kwenta nga po baka nagkakamali lang ako.

Inatasan na ni Sec. Roxas ang legal head ng DOTC na si Usec. Jose Perpetuo Lotilla para imbestigahan ang desisyong ito ng LTFRB. Tuwid na Daan nga ba ang tatahakin nitong 489 na mga bus papuntang North at Central Luzon?

*****

Ako’y pansamantalang nalungkot sa nabasa kong balita sa abs-cbnnews.com na may headline na “Ford to shut down PH plant.” Ayon sa naiulat, “Ford ASEAN president Peter Fleet on Wednesday said the company decided to cease assembly operations at its plant in Sta. Rosa, Laguna due to lack of economies of scale and small supply base.” May karugtong pa itong, “This is the second time the US automaker has pulled out of the Philippine market. It pulled out of the Philippines in 1970 due to the peso depreciation.” Agad kong tinanong si Ford Group Philippines AVP-Communications Anika Salceda- Wycoco ukol dito. Ang bahagi ng kanyang official statement, “Although we are closing the Santa Rosa manufacturing facility, Ford remains absolutely committed to the Philippines. Our national sales company (Ford Group Philippines) will continue to support the marketing, sales and service of Ford vehicles through our growing nationwide network of authorized Ford dealers.

Ford is poised for continued growth in the Philippines, supported by the introduction of eight all-new One Ford vehicles by mid-decade, including all-new Ranger and all-new Focus, as well as the Ford Mustang this year. We are also planning the continued expansion of our authorized Ford dealer network which will include opening 12 new dealerships this year and doubling the network by 2015.”

Kaya sa mga may sasakyang Ford ay wala kayong rason para mag-alala dahil hindi tayo iiwan ng Ford Group Philippines!

*****

Maraming salamat sa Hyundai Asia Resources Inc. sa pagdala sa aming mga motoring media sa Baguio City noong isang linggo para sa Hyunda Live Brillian Test Drive Eon Edition. Ito ay para masubukan ang bagong Hyundai Eon 800cc sa akyatan at sa patipiran ng konsumo ng gasolina. Ang inyong lingkod po ay personal na nagmaneho ng Eon mula Hyundai North Edsa hanggang Rosario, La Union. Ang aking naging konsumo, 29 kilometros kada isang litro. Magugulat pa kayo sa presyo ng bagong Eon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply