Kagawad pinagsimba muna bago nilikida

DINALA muna sa simbahan ang isang kasapi ng Sanguniang Pambarangay bago ito pinahirapan at patayin ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang pawang kasapi ng New People’s Army na kumikilos sa lalawigan ng Masbate sa ulat ng pulisya kaninang umaga.

Dead on spot ang biktimang si barangay kagawad Edgar Bocboc, residente ng Brgy. Paraiso, San Fernando sa nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng San Fernando Municipal Police Station at Masbate Police Provincial Office, lumalabas na bandang alas-4:00 ng madaling araw ay sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng biktima.

Tinutukan ito ng baril at puwersahang kinaladkad papuntang simbahan. Doon pinahirapan at saka pinaglakad sa kalsada.

Sa tapat ng Paraiso Elementary School pinatay ang biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang empty shells ng kalibre .45 baril.

Sa ngayon, palaisipan pa rin sa pamilya ng biktima ang dahilan ng pamamaslang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply