Kahera ng computer shop tinigbak

LAGUNA– Basag ang bungo at naliligo sa dugo ang bangkay ng dalagang kahera ng Cyberhub Computer Shop sa Bonifacio St., San Pablo City nang matagpuan dakong alas-9:50 ng umaga kanina.

Sa report ni P/Supt. Ferdinand de Castro, isang tawag sa telepono ang natanggap ng investigation division hinggil sa bangkay ng babaeng nakahandusay sa nasabing computer shop.

Kinilala ang biktima na si Maricel Pasamon, 18, nakatira sa Brgy. San Jose, San Pablo City.

Ayon sa pulisya, walang nawawala sa mga gamit sa computer shop kaya posibleng hindi pagnanakaw ang motibo ng salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply