Kalbaryo ng mga pasahero

MAY kasabihang dapat maging maganda ang pasok ng araw ng Lunes upang maging maganda ang takbo ng buhay sa buong linggo. Subalit hindi mapigilan na sumama ito sa unang araw pa lang ng pasok sa trabaho at eskuwela dahil sa ilang mga taong walang pakialam sa kanyang kapwa at paligid.

Nagmamadali ang isang babae na makaluwas ng Quezon City dahil may kailangan siyang ayusin sa Social Security Services, isang tanggapan ng pamahalaan, sa East Avenue. Karga nito ang isang batang lalaki na magdadalawang taong gulang.

May kabigatan ang bata kaya’t masakit na ang bisig ng babae na nais nang makarating sa pupuntahan subalit kailangan niyang maghintay pa ng van na may biyaheng SM North Esda sapagkat ang UV Express van  (UVS-576) na nakapila sa terminal ng BARCADS sa Gen. Luis St. sa Novaliches at halos tapat ng Banco de Oro at Save More na bagaman nagpupuno ng mga pasahero ay ayaw magsakay dahil diretsuhan lang ito sa MRT Edsa.

Nagyayabang pa ang driver at barker/konduktor nito na hindi sila kayang tinagin sa kanilang puwesto ang BARCADS dahil protektado sila umano ni Ka Jeff at maging ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) ni Ka Efren de Luna.

Aba’y Ka Jeff at Ka Efren, dapat ang ganitong klaseng driver at miyembro ay kinakalos ninyo dahil makasisira ito sa pangalan ng asosasyon ninyo.

Isa pang ipinagmamalaki ng mga driver ay ang lagay nila sa Traffic Enforcement Group at Novaliches Police Station. Bakit naman sila maglalagay sa Novaliches Police?

Bakit kailangang mamili ng pasahero ang mga driver na tulad nitong UVS-576 gayung nagbabayad din naman ang pasaherong ayaw nilang pasakayin?

Dahil sa koneksyon nila sa pulis? Baka naman may koneksyon din sila sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)?

Kailan kikilos ang LTO at LTFRB sa mga reklamo ng mga mananakay laban sa mga pampasaherong sasakyang tulad ng UV Express?

Isa pang matagal na reklamo laban sa mga van na bumibiyahe ay ang overloading. Hindi ito inaaksyunan ng LTFRB at LTO. Ang mga pampasaherong van na bumibiyahe sa mga lalawigan ay naglalaman lang ng 15 kasama ang tsuper pero ang bumibiyahe sa Metro Manila partikular sa Fairview at Novaliches ay 19 lang.

Bumaba na rin kahit papaano ang presyo ng langis subalit hindi naman nagbaba ng pasahe ang ilang pampublikong sasakyan kabilang na ang mga van.

Kelan pa kikilos ang mga ahensiya ng pamahalaan?

Lagi na lang bang ganoon? Kikilos lang kapag may nangyari nang hindi maganda?

Kailangan na kumilos ni Supt. Ramon Pranada, hepe ng Cubao Police Station, dahil gasgas na gasgas na ang kanyang pangalan sa vendors at barkers na kanyang nasasakupan sapagkat walang ginawa itong si Ka Larry, nagpapakilalang miyembro ng maimpluwensyang relihiyon, kung hindi mangikil at sinasabing si Colonel ang nagpapakolekta.

Subalit matapos makuha ang lingguhang butaw ay makikita itong nakikipag-inuman sa mga holdaper at snatcher ng Cubao.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply