Kalihim ng Partylist itinumba

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang kalihim ng Anak Mindanao Party list makaraang pagbabarilin sa lungsod ng Cotobato City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang biktima ay nakilalang si Raffy Dilli, secretary general ng nabanggit na partylist at nakatira sa lungsod ng Cotabato.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na sakay ng habal-habal ang biktima na noon ay pauwi na nang pagbabarilin ito ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Isinugod pa sa Cotabato Regional Hospital ang biktima subalit hindi na ito naisalba.

Nabatid na si Dillo ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni OIC Regional Governor Mujiv Hataman pagdating sa mga implementasyon ng mga proyekto sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply