Kalsada sa Makati isasara para sa isang music festival

ISASARA sa trapiko ang ilang bahagi ng Makati Avenue ngayong araw hanggang bukas (Hunyo 23) para sa isang musical festival.

Isasara ang Makati Avenue mula Valdez Street hanggang Kalayaan Avenue hanggang sa matapos ang nabanggit na event.

Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na dumaan sa mga alternate route.

Ang mga sasakyan na galing sa Madaluyong ay maaring dumaan sa J.P. Rizal.

Habang ang mga mula sa Makati business district papuntang Mandaluyong at Makati Avenue ay dapat kumanan sa Burgos St.

Asahan na ng publiko na magiging mabigat ang trapiko sa nasabing lugar dahil sa okasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply