Kamara bumuo ng komite na tututok sa SALN

NAGTATAG ngayon ang Kamara de Representantes ng isang komite na magsasagawa ng mga rekomendasyon ukol sa malinaw na alituntunin kaugnay sa pagpapalabas ng Statement of Assets Liabiities and Net worth (SALN) ng mga kongresista.

Binanggit ni House Majority leader Neptali Gonzales na ang apat na miyembro ng komite ay binubuo ng mga kongresista na mula sa iba’t ibang partido.

Kabilang dito sina House Deputy Speaker Pablo Garcia (Cebu) Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro). Rodolfo Antonino (Nueva Ecija) at Rex Gatchalian (Valenzuela).

Sinabi ni Gonzales na ang marching order ni House Speaker Feliciano Belmonte sa 4-man committee ay agad na bumuo ng guidelines sa pagpapalabas ng SALN ng mga kongresista.

Sa ngayon, wala pa aniyang malinaw na deadline ang komite kung hanggang kailan dapat mabuo ang guidelines subalit hanggang wala pang panuntunan ito ay ipinapaubaya muna sa indibidwal na kongresista kung nais nilang isapubliko o hindi ang kanilang mga SALN.

Giit ni Gonzales na ang malinaw aniya sa ngayon ay dapat ideklara ng lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyero sa kanilang mga SALN ang lahat ng kanilang accounts maging ito man ay dollar o peso.

Kasabay nito ay tiniyak naman ni Belmonte na kahit naka-break ang Kongreso ay magpupulong at magsasagawa ng hearing ang komite.

“I guess by the time that we reconvene kelangan meron na silang report. I’m writing as official designation, hindi unofficial,” paliwanag ni Belmonte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply