Kampeonato susungkitin ng Miami Heat

MIAMI– Kating-kati na ang daliri ni 3-time NBA MVP LeBron James sa championship ring kaya talagang ginagawa nito ang lahat ng paraan upang masungkit ng Miami Heat ang kampeonato sa crucial Game 4 ng 2012 NBA Season matapos nilang durugin ang Oklahoma Thurder at sungkitin ang 3-1 kartada kanina, 104-98.

Isang panalo na lang sa Huwebes sa Game 5 at ititatanghal ng 2012 NBA Season Champion ang Miami Heat.

Subalit hindi magiging madali para sa Heat na makuha ang kampeonato dahil hindi umano papayag ang Oklahoma na basta-basta na lang kuhanin ng Miami ang kampeonato.

Ayon kay 3-time scoring champion na si Kevin Durant at Russel Westbrook, gagawin nila ang lahat upang mapigilan ang Miami upang maisalba ang kanilang koponan dahil ang Game 6 at 7 ay sa Oklahoma na gagawin.

“Magkakaroon kami ng mas malaking tsansa kung maipananalo namin ang Game 5 dahil ang mga susunod na laban ay sa homecourt na namin gagawin,” wika nina Durant at Westbrook na dismayado dahil nasayang ang ang kanilang 17-point early lead sa crucial na Game 4.

Ayon naman kay LeBron, Dwyane Wade, at Chris Bosh na tinaguriang Big 3 ng Miami, pipilitin nilang tapusin na ang serye sa Game 5 at pupwersahin na nila ang laro upang maaga pa lang ay maramdaman na ng fans ng Miami na sigurado na ang panalo.

“Sa Game 4, medyo nag-struggle kami sa scoring lalong lalo na sa 1st canto na tinambakan kami ng OKC ng mahigit 17 points, pero naging matatag kami at pinalakas kami ng hiyawan ng fans kaya kami pa rin ang nanalo sa huli,” ani Fil-Am coach Eric Spoelstra.

Ayon kay LeBron, maglalaro siya sa Game 5 at bale wala sa kanya ang injury sa kanyang hita upang maging masaya ang fans ng Miami at makuha na namin ang kampeonato.

“Hindi na mahalaga sa akin ang individual scoring, ang importante maipanalo ko ang laro sa kahit anong paraan,” ani LeBron.

Kumamada si LeBron ng 26 points, 9 rebounds, 12 assists habang si Wade umambag ng 25 points.

Nagpahirap naman sa Miami si Russel Westbrook na binuhat mag-isa ang OKC matapos umarangkada ng 43 points, 7 rebounds at 5 assists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply