Kano naaagnas na nang matagpuan sa condo

MASUSING iniimbestigahan ng Pasay police ang pagkamatay ng isang American national na natagpuang patay at halos naaagnas na sa loob na inuupahang condominium unit nito noong Lunes ng gabi sa Pasay City.

Sa naantalang ulat ng pulisya, nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng biktimang si Steven Resnick, 48 nang madiskubre sa loob ng Unit 912-C ng Central Park-1 Condo sa 168 Jorge St. ni SPO2 Alfredo Llanilo, Jr. ng Intelligence Unit ng Pasay police dakong alas-8:00 ng gabi.

Nabatid kay C/Insp. Joey Goforth, hepe ng Investigation Division ng Pasay police, huling nakitang buhay ang biktima noon pang Linggo ng tanghali ni Purisima Gutierrez, 45, nanunuluyan sa katabing unit na inookupa ng nasawi.

Bukod sa 100 tableta ng Viagra, nakita rin sa tabi ng nakadapang bangkay ang nakakalat na tatlong piraso ng calcium tablets, dalawang piraso ng tig-P100 at isang P20 na papel, wasak na cellphone, sigarilyo, lighter, bungkos ng susi, tuwalya, screw driver at isang aklat.

Wala namang palatandaan na may naganap na karahasan sa loob ng condominium lalu na’t hindi nagalaw ang mga personal na gamit ng nasawi tulad ng television, CD player, laptop at iba.

Wala ring palatandaan na may naganap na puwersahang pagpasok sa loob ng naturang unit.

Sinabi ni Goforth na sinaksihan din ng kinatawan ng US Embassy ang isinagawang pagsisiyasat ng pulisya at pinayagan ang kanilang kinatawan na si Gregory Rankin, 33 na makuhanan ng larawan ang bangkay upang mayroon silang rekord sa pagkakatuklas sa bangkay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply