Kanong may kaso sa California arestado sa Maynila

NADAKIP ang isang American national ng operatiba ng Bureau of Immigration sa Maynila dahil sa kasong sexual assault na tinakasan nito sa California.

Kinilala ang suspek na si Gary Jurden, 68, nabatid na nagtungo sa gusali ng BI upang mag-inquire sa block-list order na inisyu ng ahensiya laban sa kanya.

Nabatid kay Immigration Commissioner Ricardo David, Jr., dinakop si Jurden dahil sa warrant of arrest mula sa Superior Court ng Los Angeles, California.

Nakatakda nang ipatapon pabalik ng California ang suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply