Kapag nag-pose ng sexy si Kylie sa men’s mag, Robin susugod sa publication

KUNG si Gloria Diaz nga na nag-daring noon sa kanyang launching movie na “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa” ay sumugod sa publication ng isang glossy mag dahil nalaman nitong pini-pictorial ng sexy ang anak na si Isabelle Daza, si Robin Padilla pa kaya ang papayag para mag-pose ng sexy ang anak sa anumang men’s magazine na mag-aalok rito?

Maliban sa disgusto si Robin sa bagay na ito, bawal na bawal sa kani- lang relihiyon ang magpakita ng flesh sa publiko. Nakikita naman natin ang mga babaeng Muslim na balot na balot ang mga damit na mukha lang ang kita, at ang tradisyong ito ay alam ni Kylie kaya hindi naman siya lalabag dito. Saka, kapag nangyari na may pumilit kay Kylie na i-pictorial siya ng sexy, tiyak na hindi magdadalawang-isip si Binoe na sumugod sa publication na mangha-harass sa kanyang inosenteng anak. Aba’y dapat lang gyud!

***

Yamang iniwan ni Tirso kay JC binabawing lahat ni LT sa ‘Valiente’

GUSTONG makakuha ng malaking halaga na 20 milyon ni Leona (Nina Jose) mula sa kapatid na si Gardo Braganza (JC de Vera) kaya pinalabas nitong nakidnap sila ng anak na si Amanda at ang nabanggit na halaga ang siyang ransom. Pero duda si Maila (Nadine Samonte) na gawa-gawa lang ni Leona ang lahat kaya sumugod sila ni Gardo at ng kanyang Kuya Theo (Oyo Sotto) kasama sina Mang Damian (Michael de Mesa) at mga pulis sa sinasabing warehouse ni Leona kung saan doon daw sila dinala ng kanilang kidnappers.

Naabutan nga nila roon si Leona at nang makita sila nito ay ginawa namang hostage ang sariling anak. Nagawa pa nitong saktan ang kapatid na si Maila at sa kabila ng pagiging magkapatid nila ni Gardo, umaasam pa rin pala si Leona na magkatuluyan sila nito.

Anyway, dahil sa ginawang krimen ay nakulong si Leona at nag-iisa na lang siya roon dahil pati ang kanyang Kuya Theo ay lumayo na rin sa kanya.

Samantala, handang ibigay na ni Gardo ang lahat ng manang iniwan sa kanya ng umaruga sa kanyang si Don Luis (Tirso Cruz) sa kapatid nitong si Mila Regalado-Arden (Lorna Tolentino) at labis itong ikinatuwa ng huli pero hindi pa pala tapos ang kanyang paghihiganti sa mga Braganza, lalong-lalo na sa naghihirap at nagdurusa na ngayong si Donya Trining.

Lahat ng mga tagpong ‘yan ay inyong matutunghayan sa Valiente na mapanonood gabi-gabi pagkatapos ng Wiltime Big Time sa TV5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply