Kapitan ng barangay sa Quiapo, niratrat, patay

SABOG ang utak ng isang barangay captain matapos itong pagbabarilin ng dalawang di nakilalang suspek habang nanonood ng telebisyon kasama ng kanyang maybahay sa loob ng kanilang tahanan sa Quiapoo,Maynila kagabi (june 28).

Kinilala ni Sr.Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Sainal Shariff Pararanam,56, may-asawa, kasalukuyang barangay captain ng Brgy. 384 Zone 39, Dist.III ,ng nasabing lugar, tubong Masin,Lanao del Sur at resident eng 817 Globo de Oro kanto ng Bautista St. Quiapo, Maynila.

Nakatakas naman ang dalawang di nakilalang suspek na armado ng di mabatid na kalibre ng baril,sakay ng motorsiklo .

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan,imbestigador,dakong alas 9:36 kagabi ng ideklarang patay  sa UST hospital ang biktima matapos na magtamo ng dalawng tama ng bal;a sa ulo at dalawa naman sa katawan.

Nauna rito, nanonood umano ng telebisyon ang biktima at kanyang maybahay sa loob ng kanilang tahanan nang may pumaradang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay sakay ang mga suspek .

Bumaba umano ang back rider bitbit ang kanyang baril at nagpaputok sa direksyon na kinaroroonan ng biktima.

Kaswal lamang na umalis  ang mga suspek sa direksyon ng Echangue St. matapos ang pamamaril.

Dinala agad ang bangkay ng biktima sa Golden Mosque sa Quiapo bilang pagsunod sa kanilang religious beliefs habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply