Kapitana niratrat, todas sa Zambo Sur

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang lady barangay captain nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa Zamboanga del Sur kagabi (Hunyo 21).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Evelyn Declaro Covarrubias, Kapitana ng Barangay Banale.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng krimen pero hinihinalang may kinalaman ang pagpatay kay Covarrubias sa trabaho nito bllang punong opisyal ng barangay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:45 kagabi sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa Sitio Madasigon sa Barangay Banale.

Ayon kay Pagadian City Police Chief Supt. Kenneth Mission, bago ang insidente ay kararating lamang ng biktima na isa ring government employee at papasok na sa kanyang bahay nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.

Nang matiyak na patay na ang biktima, umiskiyerda na ang mga ito sakay ng walang plakang motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply