Kapitolyo ng Bulacan posibleng maputulan ng kuryente?

USAP-USAPAN ngayon sa boung lalawigan ng Bulacan ang umano’y sandamakmak na utang ng Kapitolyo  tulad ng kuryente, telepono at pasahod ng ilang mga empleyado.

Ayon sa source ng Lily’s Files, kalat na sa boung bayan ng Bulacan ang pagkakaroon ng Kapitolyo ng utang  sa kuryente na aabot ng P20 milyon at sa katunayan ay nakipag-ugnayan na umano sa Kapitolyo ang kinatawan ng Meralco Malolos Branch na si Gng. Lorenza Reyes , para ipaalala na kailangan na nilang bayaran ang kanilang na kunsumo simula pa noong buwan ng Pebrero hanggang buwan ng Mayo.

Sinasabing nakakuha naman umano ng sagot ang taga Meralco, na ang tanging mababayaran lang daw ng Kapitolyo ng Bulacan ay ang para lang sa buwan ng Pebrero at hindi malinaw kung kailan babayaran ang mga natira pang utang.

Sinabi pa rin ng ating source na kamakailan lang ay nagpadala na ang Meralco Malolos branch ng “  disconnection notice” sa Kapitolyo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring action dito ang mga opisyal ng Kapitolyo.

Aba’y napakalaking perwisyo nito kapag hindi ito nabayaran ng mga namumuno sa Kapitolyo, una ng maaapektuhan dito ay ang apat na malalaking tanggapan na nasa compound ng Kapitolyo tulad ng Red Cross, Commission on Audit, Civil Service at ang Provincial Jail.

Ayon sa ilang mga Bulakenyo, wala umanong matibay na rason kung bakit nagkautang ng ganito kalaki ang Kapitolyo ng Bulacan  gayung kumpleto naman umano ang pasok ng collection ng pera ng bayan  tulad ng mga nagbabayad ng buwis at “share” sa bawat establishment  ng bawat bayan.

Nalaman din ng inyong lingkod na umaabot umano sa P70 milyun ang umano’y budget na nakalaan  para lang sa pambayad ng kuryente ng Kapitolyo, ngunit saan napunta ang napakalaking halagang ito .

Wala na rin daw magamit na sabon, pang linis ng kubeta at iba pang gamit na dapat ay kumpleto sa supplies  mula sa general services. Saan napunta ang budget para dito? At alam kaya ito ng magiting na Gobernador ng Bulacan na si Gov, Willy Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando at ng lahat ng mga Board member?

Napaka-imposible naman yata kung hanggang sa ngayon ay wala pa ring alam ang mga opisyales ng Kapitolyo gayung alam nilang ang ilang tanggapan ng Kapitolyo ay wala na ring linya ng telepono.

Gov, Alvarado at Vice Gov, Daniel Fernando, huwag kayong magbulag-bulagan at magbingi-bingihan sa mga nangyayari diyan sa loob ng Kapitolyo, kayo rin malapit na ang election.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo , suggestions at kumento , mag text lang po sa  0915-5683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag email lang sa …  lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply