Karahasan atbp vs reporma sa ARMM

ISANG karahasan ang naitala nitong Hunyo 27, 2012 nang tambangan at mapatay ng armadong riding in tandem ang isang kasama namin sa Reform ARMM Now sa Cotabato City.

Si Kasamang Rafael “Raffy” Nabre ay tinambangan habang sakay ito ng habal-habal matapos ang halos maghapon na pakikipagpulong sa mga kasamang nagsusulong ng reporma sa ilalim ng liderato ni OIC ARMM Regional Governor Mujiv Hataman.

Tatlong tama ng bala ng .45 cal. ang tumapos sa makasaysayang buhay ni Ka Raffy, na nagsimulang maging aktibista noong dekada 80 hanggang sa siya ay napasabak sa underground movement sa Mindanao.

Nitong bandang huli, “lumutang” siya bilang development worker na mahusay na tumupad sa mga gawain hinggil sa pagpapabuti ng kalagayang ekonomiya ng mga mahihirap na residente sa iba’t ibang local government units.

Ang development work, minsan, ay kinaiinisan ng ilang hardliner dahil pagbaluktot daw ito sa mga prinsipyong ipinaglalaban nila.

Ang sapantaha ng karamihan sa mga nakadaupang-palad ni Ka Raffy na dahilan ng pagkitil ng kanyang buhay ay pulitikal dahil umano sa aktibong pagsusulong nito ng mga reporma sa ARMM na nagdulot ng pagkakabaklas ng ilang maling sistema.

Sa ganang akin, hindi dapat limitahan ang pagsusuri kung ano ang motibo ng pagpaslang kay Ka Raffy.

Dapat tingnan ito na may ugnayan sa mahabang political work ni Ka Raffy at kung ano ang naging epekto nito sa mga dating kasama nya.

Maging anoman ang resulta nitong mga imbestigasyon, isa ang malinaw na hindi pwedeng pasubalian: pagkakalagas ng isang kasama sa repormang isinusulong natin dito sa ARMM.

Dahil sa iyong paggiya sa pagbubuo ng iba’t ibang konsepto hinggil sa reporma, hindi ka namin kalilimutan sa aming isipan, mas lalo pa naming haharapin ang aming mga sarili na maghanap ng hustisya para sa iyong kamatayan gaya ng pagbibigay-diin namin na mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng mga gaya mong pinaslang, Ka Raffy! Paalam.

=ooo=

Kabi-kabilang command conference ang isinasagawa ng COMELEC at LGUs sa limang probinsya ng ARMM bilang paghahanda sa gaganaping voters registration sa Hulyo 9-18, 2012. Kasama sa pagpupulong ang mga kapulisan at militar bilang tugon sa pangangailangan ng seguridad sa mahigit 15,000 registration centers.

Pinupuri ng inyong lingkod ang tanggapan ni Atty. Teopisto Elnas Jr., Election and Barangay Affairs Department, (EBAD) sa maagap nitong pagbibigay ng guidelines sa clustering ng mga registration center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply