Karambola ng 3 sasakyan, 2 sugatan

DALAWA katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang tatlong sasakyan sa Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Thesalonica Devara at Nancy Sabrile, na sakay ng isang pampasaherong Asia Utility Vehicle (AUV).

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binangga ng isang berdeng Nissan Sentra ang FX, na naunang binangga ng isang itim na Honda Civic na nagresulta ng pagkapilay ni Devara habang nabugbog naman ang likod ni Sabrile.

Sinasabing kasalanan ng itim na Honda ang insidente.

Hawak na ng traffic sector ng naturang lungsod ang tatlong drayber ng sasakyan.

Nagdulot naman ng trapik sa lugar ang naturang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply