Karambola ng 5 sasakyan, taxi driver todas, 2 sugatan

PATAY ang isang taxi driver habang dalawa naman ang nasaktan nang magkarambola ang limang sasakyan sa Quezon City kaninang umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Efren Tan, drayber ng isang kulay puting Nissan Sentra ,sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod naman sina Jeremiah Recto, driver ng Toyota Land Cruiser at si Jimmy Macasaya, nagmamaneho naman ng motorsiklo, sa Quezon City General Hospital sanhi rin ng tinamong kapansanan sa katawan ,

Maliban sa taksi, SUV at motorsiklo, nadamay din sa banggaan ang isang pampasaherong jeep at isang Toyota Vios pero ang mga pasahero nito ay hindi nasaktan.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Sector 4, naganap ang insidente pasado alas 6 ng umaga sa kanto ng Congressional Avenue at Mindanao Avenue.

Sa inisyal na imbestigasuon bago ang karambola ay tinangka umanong mag-beat ng red light ang drayber ng Land Cruiser na si Recto kaya sinuwag nito ang umaarangkadang taksi ni Tan sa naturang crossing.

Ang SUV ay patungong Munoz habang ang taksi naman ay patungong Quirino highway sa Novaliches.

Sa lakas ng pagkasuwag, napunta sa kabilang kalsada ang taksi kaya inararo pa rin ng isang Toyota AUV na tumagilid naman sa kalsada. May karga itong mga piraso ng furnitures at matress.

Ayon sa mga hospital staff, may indikasyon na nakainom ng alak si Recto nang maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply