Karapatan ng media hindi malalabag sa Data Privacy Act – M’cañang

MAKAKAASA ang mga miyembro ng Philippine media na protektado ang kanilang karapatan at hindi gagamitin sa kanila ang measure na nakapaloob sa Data Privacy Act (DPA).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang pagkakasama ng safeguards sa DPA ay malinaw na pinakinggan ng mga mambabatas ang opinyon ng mga stakeholders.

“At least now mapapanatag press groups natin,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, inaprubahan sa isang congressional bicameral committee ang Data Privacy Act bago pa magtapos ang congressional session ng mga mambabatas noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Sen. Edgardo Angara na tinama ng bicameral committee ang mga kaduda-dudang nakasaad sa nasabing bill na may pagkilos na maglagay sa alanganing sitwasyon sa mga mamamahayag, producers, o kahit na sinumang media practitioners.

Kamakailan ay nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang media organizations kaugnay sa naunang bersyon ng bill, sa pagsasabing may ilang probisyon na maaaring gamitin para patawan ng kaparusahan ang isang mamamahayag para sa “breaches of confidentiality.”

“There is nothing of the sort in this bill. Therefore, there is absolutely no reason to be alarmed,” ayon kay Senador Angara sabay sabing “Press freedom is provided clearly in our Constitution, but so is a person’s right to privacy. What the Data Privacy Act does is simply extend the safeguards on privacy to the personal information transmitted and stored via the Internet and other ICT.”

Nilinaw ni Angara na ang pangunahing layunin ng bill ay “to generate confidence in IT-BPO, e-governance and e-commerce in the country. Many other countries where these industries are flourishing have similar laws in place. In that way, this law is not unique and just puts us on a par with global standards.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply