Kasal muna bago buntisan!

KUNTENTO na ba si Mike Tan sa career niya ngayon dahil sunud-sunod ang project niya sa GMA7? Leading man na naman siya sa afternoon serye ng Kapuso na “Faithfully” na magsisimula sa Lunes, June 18.

“Sa ngayon masaya ako pero mahirap sabihin ‘yung kuntento. Kuntento ka, ibig sabihin hanggang dito na lang ‘yung gusto mo, e! Marami pang kulang para sa akin. Hangga’t nasa showbusiness ka, hindi natatapos ang goal. Para lang siyang pag-aaral ng medicine. Rito sa showbiz, hangga’t may trabaho ka, hangga’t nakikita ka sa TV, dapat iba-iba ‘yung naipakikita mo sa mga tao.

“Ayoko ring isipin na leading man. Kapag inisip ko kasi na ganoon, doon na huminto ang mundo ko. Baka isipin ko, ‘Eto na ‘ko, ganito na ‘ko, nakuha ko na ‘to, puwede na akong mag-lie-low.’ Marami pa akong gustong marating sa pag-aartista at marami pa akong kailangang ma-prove talaga,” deklara niya.

Okey lang ba ‘yung naging leading man siya ni Lovi Poe sa Legacy na pang-primetime, tapos bumalik siya sa panghapong programa?

“Wala naman sa akin ang ganoon dahil malaki ang importansiyang ibinibigay ko sa trabaho ko sa pang-hapon man o pang-gabi ilagay. Basta may trabaho ako, masaya ako at nagpapasalamat ako sa GMA dun.”

Marami rin daw natutunan na paiba-iba ang ipina-partner sa kanya ng GMA (Carla Abellana, Michelle Madrigal at kay Lovi Poe).

“Kay Lovi, sobra. Ang dami ko talagang natutunan. Pati kay Ms. Cherie Gil. Well, hindi ko siya naging kapareha siyempre pero mas madalas ko siyang kaeksena sa Legacy. Sobrang dami kong natutunan sa kanya lalung-lalo na kay Direk Eddie Garcia.’Yun ang advantage na wala kang ka-loveteam. Nakaka-explore ka, nakaka-experiment ka,” sambit pa niya.

Ang ex niyang si LJ Reyes na dyowa ngayon ni Paulo Avelino ay balitang magpapa-sexy na, ano ang kanyang reaksyon?

“Oo, sexy naman siya, e,” sagot niya.

Paano kung i-partner sila sa isa’t isa at sexy ang tema?

“Magugustuhan ko ‘yun sa  tingin ko. Matagal na kaming hindi nakakapagtrabaho.

Matagal na ‘yung magkasama kami.”

Kayo pa noon?

“Oo kami pa. Matagal na. Primetime pa ni Richard (Gutierrez), e. Sugo.”

Parang naudlot na ang pagpapa-sexy niya?

“A, siguro, nagkakaroon lang ng ibang trabaho. Hindi siya nagtutuluy-tuloy,” aniya pa.

Inamin din niya na may non-showbiz girlfriend siya ngayon at umabot na sila ng six years.

Wala pang balak na magpakasal?

“Wala pa. Lahat para sa akin trabaho muna,” aniya.

Anyway, makakasama ni Mike Tan sa Faithfully sina Isabel Oli, Vaness Del Moral, Michelle Madrigal, Isabelle Daza, Marc Abaya, Victor Aliwalas, Will Devaughn, Kevin Santos, Chanda Romero atbp. Ito ay sa direksyon ni Mike Tuviera.

-0o0-

ISANG magandang break na naman kay Vaness Del Moral ang Faithfully after Kokak. Markado dahil kaiinisan pero mamahalin din.

Of course, tinanong din ang relasyon nila ni Biboy Ramirez na umabot na ng two years at 9 months. Ano ang sikreto na umabot nang ganoong katagal?

“Wala quiet lang kami pag nag-away. Lahat naman po napag-uusapan. Wala pang kasal. Tanong n’yo po si Biboy kung kailan siya magpo-propose,” aniya.

Ready na ba siya pag alukin siya ng kasal ni Biboy?

“Hindi ko alam. Kinikilig ako. Pag nag-propose siya sa akin, u-oo ako agad-agad. Feeling ko naman nakapag-ipon na rin ako.”

Ang rebelasyon ni Vaness ay magkapit-bahay sila ni Biboy at…

“Natutulog ako roon. Pero mas madalas sa bahay ko. Bahay ko ‘yun, e!,” aniya.

Hindi na siya Maria Clara effect na nag-iinarte.

“Ano ito Pacman at Bradley na yakap nang yakap? Hindi naman puwedeng ganoon. Kailangan, umaatras ka rin, tuma- takbo ka para manalo ka. Kasi pag yumakap ka at saka ka umatras, nananalo ka. Tingnan mo si Bradley, umatras, yumakap, nanalo,” deklara pa niya.

Paano kung mabuntis siya?

“Ay, hindi po. Kasal muna bago buntis,” sey pa niya.

E, paano ngayon gumaganda ang career niya?

“Kasal lang naman, hindi pa naman mabubuntis. Puwede naman ‘yun at saka nakalagay naman sa kontrata, hindi ako puwedeng mabuntis hangga’t nakapirma ako. Walang nakalagay tungkol sa kasal, okey ‘yun, puwede ‘yun,” aniya pa.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply