Kasambahay Bill lusot na sa Kamara

NAKALUSOT na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapatibay sa mga karapatan ng isang kasambahay.

Ayon kay Cagayan Rep. Jack Enrile, gumulong na rin sa ikatlong pagbasa ang Senate version ng House Bill No. 6144 o Kasambahay Bill.

Batay sa pahayag ng nakababatang Enrile, matatanggap na ang mga benepisyo at prebilehiyong dapat matanggap ng mga kasambahay sa sandaling maipasa na ang panukala.

Nilalayon ng panukala na magkaroon ng responsibilidad ang gobyerno na iangat ang kalagayan ng mga kasambahay tulad ng mga naibibigay na benepisyo sa mga manggagawa tulad ng 13th month pay.

Ayon sa mambabatas, dapat na may siguradong aasahan ang mga kasambahay pagsapit ng Kapaskuhan gaya ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong kompanya.

Dahil sa kawalan ng batas na nagpoprotekta sa sektor ng mga kasambahay, umaasa na lamang ng awa at tulong ang mga ito mula sa kanilang mga amo tuwing may emergency at iba pang pangangailangan.

Maging ang kanilang panseguridad na benepisyo ay hindi naibibigay ng kanilang employer kaya dapat na tapatan ang kanilang naging katapatan at pagsisilbi sa pamamagitan ng 13th month pay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply