Kaso ng BIR vs Pacquiao, natutulog sa piskalya

WALA pa ring desisyon ang  piskalya ng Koronadal City sa kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR-GenSan)  laban kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Atty Franklin Ladores, BIR-GenSan revenue officer, na magtatatlong buwan na ang nasabing reklamo subalit wala pang ipinapalabas na desisyon.

Nabatid na sinampahan ng paglabag sa Article 266 ng National Internal Revenue Code o “Failure to Obey Summon” ang Pinoy ring icon.

Paliwanag naman ni Ladores, magdedepende ang kanilang susunod na hakbang kung ano ang magiging resulta ng reklamo na kanilang isinampa sa piskalya.

Una rito, iginit ni Pacquiao na wala siyang itinatago at ang lahat umanong kailangang bayaran ay hindi niya tinatalikuran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply