Kaso ng dengue sa Dagupan tumaas

DAGUPAN CITY– Tumaas ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Ito ang kinumprima ngayon ni Ajerio Ming Rosario, chairman ng committee on health ng Sangguniang Panlalawigan.

Ani Rosario, mula sa 571 na naitalang biktima ay umakyat na ito sa 621.

Ang nasabing report ay mula Enero hanggang sa buwang kasalukuyan at ang pinakamaraming biktima nito ay galing sa bayan ng Bugalon at Bolinao.

Inutusan na ni Rosario ang Provincial Health Office na magsagawa ng monitoring activities upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply