Kaso ni Atyani hihimayin ng PNP

HINIHIMAY mabuti ng Philippine National Police ang lahat ng anggulo sa kaso ng nawawalang si Jordanian Baker Abdullah Atyani, na nagtatrabaho para sa Al Arabiya news channel sa Dubai.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na sa kasalukuyan ay wala silang impormasyon ukol sa usaping ito.

Wala naman siyang ideya kung talagang kinukonsidera ng mga opisyal ng pamahalaan si Atyani bilang contact ng Abu Sayyaf.

Sa kabilang dako, hindi naman sa pinaghihinalaan ang pagkatao ni Atyani subalit magiging bahagi  ng de-briefing sa Jordanian journalist ang mga ibabatong tanong dito ng mga opisyal ng pamahalaan.

Hindi umano pinag-uusapan sa kahit na anomang pulong ni Pangulong Aquino sa kanyang Gabinete ang pagbabawal sa foreign journalists na mag-interview sa isang teroristang grupo na katulad ng ASG.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa Department of Justice ang pag-aaral kung dapat itong kasuhan ng paglabag sa Human Security Act dahil sa pagiging pasaway nito na kapanayamin ang teroristang grupong ASG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply