Kasong child abuse vs Mon Tulfo, posibleng maibasura

NANINIWALA ang kampo ng beteranong kolumnistang si Ramon Tulfo na maibabasura ng piskalya ang kasong child abuse na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto.

Nabatid kay Atty. Jovito Barte, abogado ni Tulfo, tinawanan lamang ng kanyang kliyente ang naturang kaso dahil kung dumanas, aniya, ng trauma ang anak ng mag-asawa, ito’y dahil sa ginawang panlalait at pag-alipusta ni Claudine sa ground attendant ng Cebu Pacific matapos maiwan ang kanilang mga bagahe sa Boracay.

Dagdag pa ni Atty. Barte, may mga larawan na magpapakita na nakaupo pa sa counter ang isang anak ni Claudine at nasasaksihan ang ginagawang pagtataray at panlalait ng kanyang ina sa ground attendant.

Inihayag ito kahapon ni Barte matapos na magsumite ang mag-asawang Raymart at Claudine ng kanilang komento sa inihaing mosyon ng kampo ni Tulfo sa tanggapan ni Pasay City Assistant City Prosecutor Manuel Loteyro na humihiling na ipa-subpoena ang mga security personnel at airport police na nakasaksi sa nangyaring insidente ng bugbugan sa NAIA Terminal 3 noong Mayo 6.

Bukod sa naturang komento, naghain din ang mga abogado ng mag-asawa sa piskalya na humihiling na i-consolidate o pag-isahin na lamang sa isang tanggapan ng piskalya ang mga kasong isinampa nila kay Tulfo at ang kasong isinampa naman laban sa kanila.

Idinagdag pa ni Barte na matibay ang kanilang mga pinanghahawakan ebidensiya laban sa mag-asawa batay sa mga naglabasang video footages na nagpapakita kung sino ang talagang nanakit at nagsimula ng gulo.

Nilinaw din niya na lahat ng mga testigo na nagpahayag ng pagnanais na humarap sa korte ay kusang loob lamang na lumapit sa kanila at wala silang ini-alok na pabuya o bayad kundi batay lamang sa kanilang konsensiya matapos masaksihan ng buong-buo ang mga pangyayari.

Nagpasiya rin, aniya, sila na i-akyat sa attempted homicide ang kaso laban sa mag-asawa dahil bukod sa mga pahayag ng mga testigo, may nasilip din sila sa mga video footages na nagpapakita na nais talagang tapusin ang buhay ng kanilang kliyente

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply