Kasong tangkang pagpatay isinampa ni Mon vs Santiago couple

NAGHAIN ngayon ng kasong tangkang pagpatay o attempted homicide ang beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa tanggapan ng piskalya sa Pasay City, bilang pag-amyenda sa kanyang naunang demandang physical injuries.

Muling nagkrus ang landas kanina sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang insidente ng rambol sa NAIA Terminal 3 ang mag-asawang Santiago at Tulfo sa tanggapan ni Pasay City Senior Assistant Prosecutor Orlando Mariano makaraan namang magsumite ng kanilang kasagutan ang mag-asawa sa mga kasong physical injuries, grave coercion at grave oral defamation na isinampa laban sa kanila ng beteranong kolumnista.

Nauna ng inihayag ng abogado ni Tulfo na si Atty. Vitaliano Aguirre na iniakyat nila sa kasong attempted homicide ang kaso laban sa mag-asawang Santiago dahil malinaw sa mga naglabasang video footage na balak talagang patayin ang kanyang kliyente nang sakalin siya ni Raymart habang pinagtutulungang bugbugin ng mga kasamahan, kabilang na si Claudine.

May mga testigo rin na ipiprisinta ang kampo ni Tulfo sa umano’y pagtatangka pa ni Raymart na agawin ang baril ng isang security guard na posibleng gamitin para patayin ang mamamahayag.

Minaliit naman ng mag-asawa ang pag-aakyat sa kasong attempted homicide laban sa kanila ni Tulfo at iginiit sa kanilang counter-affidavit na si Tulfo ang nanakit at unang sumapak kay Raymart.

Sinabi pa ni Claudine sa pahayag sa media na paiba-iba ang deklarasyon ni Tulfo gayong inamin na sa ilang mga interview na itinulak niya si Raymart nang tanungin kung ano ang kanyang ginagawa.

May hiwalay namang kasong isinampa ang mag-asawa laban kay Tulfo na diniding naman sa tanggapan ni Pasay City Assistant Prosecutor Manuel Loteyro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply