Kautusan ni Sec. Robredo vs Atyani, labag sa konstitusyon – CIL

IGINIIT ng Center for International Law na labag sa pangunahing karapatang pantao na ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon ng Article 19 ng International Covenant on Civil and Political Rights at sa freedom of the press ang kautosan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na pabalikin sa Jordan ang Jordanian Journalist na si Baker Abdulla Atyani.

Sinabi kamakailan ni Robredo na nais niyang pabalikin sa Jordan si Atyani ng Al Arabiya TV News Network at ideklarang persona non grata dahil sa pagkuha ng panayam sa grupong Abu Sayyaf nang hindi ipinapaalam sa gobyerno.

Sinabi rin ng CIL na dapat malaman ni Robredo na ang simpleng pahayag sa media na ibinibigay ng mga opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng babala laban sa mga mamahayag kaugnay ng maaaring paglabag ay posibleng magdulot ng negatibong epekto sa free expression.

Kinuwestiyon pa ng law center si Robredo kung kailan pa nagsimulang humingi ng permiso ang mga mamamahayag sa gobyerno para magampanan ang kanilang propesyon.

Tinukoy pa ng center ang kasong Chavez vs Gonzales na dito ay nilinaw ng Korte Suprema na unconstitutional ang pahayag sa media ni dating Justice Secretary Raul Gonzales na nagbabanta sa media ng posibleng kriminal na pananagutan kung isasahimpapawid ang “hello garci” tape.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply