Kawawang nurse at sundalo, maraket na titser at K+12

BIGYAN naman natin ng espasyo ang ating mga tagasubaybay.

Hayaan natin silang ihayag ang kanilang mga kaisipan, paninindigan, karanasan at iba pa.

PROBLEMA MUNA BAGO ANG K+12

Good evening, Sir Benny. Magandang topic po ang isinulat niyo sa Remate noong Martes, June 5 tungkol sa “kakulangan ng mga titser, palikuran, silid-aralan, at upuan” sa lahat ng mga public school sa buong Pilipinas at pati sa mga liblib na probinsya. Sana makarating ito sa ating bobong P… at sa bobong DepEd Secretary Luistro. Ayusin muna nila ang mga ganoong problema at mabawasan man lang bago maipatupad ang lintek at walang kwentang K+12. ‘Yun lang po. Salamat po. More power po sa inyo at sa Remate. +63920383….

DAGDAG NA IBANG GURO

Sir, libo-libo po ang kakulangan natin sa guro pero ang totoo, milyon po ang ating professionals na higit pa ang kakayahan sa pagtuturo at sila po ay walang mapasukan sa ngayon at walang mga trabaho. Bakit hindi po ipanawagan sa lahat na pagturuin sila para magkatrabaho kaysa mag-DH nang sa gayon ay mapunuan ang kakulangan sa guro. Sana makarating ito sa mga kinauukulan. Salamat po. +63922261….

MASAMANG KALAGAYAN

Good day po, Sir Benny. Ubod po ng kahayupan itong EDS Builder, INC. na pagmamay-ari ni Edwin Soriano sa mga worker na katulad ko. Pag nagpapasahod, delayed lagi. Kawawa naman po kaming mga worker, nahihirapan na sa gutom. Lagi pong ginagawa nila sa amin ‘to, sir.
Nahihirapan na po kami. P310 lang per day ang sahod namin sa mga helper o skilled. Ang baba ng sahod, tapos ang tagal pang magbigay ng sahod. Tuwing Sabado ng alas-dose kami nakauuwi. Pagdating ko sa bahay, walang makain ang mag-ina ko. Wala po sa minimum ang sahod namin, sir. Sobrang bigat po ng trabaho namin. Sana po matulungan n’yo po kami para matauhan ‘yang contractor namin. Sana po ay makaabot ‘to sa may-ari ng kompanya namin para matauhan po siya. Don’t publish my full number. Thank you very much po and more power.
+63948585….

MARAKET NA MGA TITSER

Good am po, ultimatum. Ang pagkabobo ng mga eskwela ay maraming dahilan. Una ang titser ay hindi na desidido sa pagtuturo, kasi marami na silang mga raket. Tulad ng pagbebenta ng Avon, Natasha at marami pang iba. Thanks po. Roger ng UP Q. CITY. +63929383….

APELA NI CORONA ‘WAG PATULAN

Mga umapela sa Supreme Court sa kaso ni Chief Justice Corona, ‘di dapat patulan. Nag-abala ang mga senador at representative at gumastos ang gobyerno sa pagkakaroon ng final na hatol ng impeachment court. Nanggugulo lang ang mga umaapela. ‘Yan ang mahirap sa mga attorney. Binabaluktot nila ang tuwid na narinig natin. +63916897…

PUTIK NA KALSADA

Iwanan muna natin ang Metro Manila. Pumunta muna tayo sa probinsya, lalong lalo na rito sa bayan namin sa Cuyapo, Nueva Ecija. Kababakasyon ko lang nang mapansin ko ang kalsada rito. Puro sira at lubak-lubak at ang pinakagrabe, ang ipinangako ng nakaupong mayor dito na farm to market road ay puro putik at lubak talaga. Higit sa lahat, 1995 pa nakaupo ang ku****t  na Mayor Jong Corpus na masiba sa ewan. Don’t publish my number. +63949799….

KAWAWANG NURSE

Pakibigyan po sana ng pansin ang mga nurse natin. May anak po ako na nurse, mahigit dalawang taon na pong nagbo-volunteer sa ospital. Kahit allowance po ay wala silang natatanggap. Masyado naman pong kawawa ang mga nurse. Daig pa po ang mga janitor, laborer, at iba pa na tumatanggap ng sweldo. Napakalaki po ng gastos at hirap para maka-graduate ang isang nurse. Napakahirap ng trabaho nila na naglilingkod sa mga may sakit. Pagod at puyat.

Unfair naman po na ‘yung paglilingkod nila ay ‘di sila mabibigyan ng sahod. Kaya marami po ang napipilitan na magtrabaho kahit ‘di po ‘yun ang linya nila like call center agent at salesgirl. Sana po ay mabigyang pansin nila ang mga nurse. Napakaswerte naman ng mga ospital dahil ‘di na sila nagagastusan sa pansahod sa mga nurse. Sa takbo po ngayon ay pinakakawawa ang mga nurse natin. Thanks po. +63928789….

KAWAWANG MGA NAVY, MARINES

Magandang gabi, Sir Benny! Baka pwede po itong mailathala sa inyong pitak, baka sakaling matulungan n’yo kami. At sa pamamagitan ng inyong pitak magising ang namumuno sa Philippine Navy. Kasi po hanggang ngayon mag-iisang taon na pong di pa nila natatanggap ang kanilang allowances at lahat ng specialist pay, instructor pay, differential ng promotion, hazard pay, paracute pay at iba pa. Ganito rin ang lahat ng aidman ng hospital, marine man o navy,  Tulungan mo kami, Sir Benny, baka magising ang mga kinauukulan. Low moral na po kami, lalo na ang marines na nakadestino sa Mindanao. Tulungan n’yo po kami. Tatanawin po namin itong isang malaking utang na loob sa inyo. Maraming salamat po at mabuhay kayo! +63935885….

INUTIL NA DENR

Gusto ko sanang ipaabot sa mga nagmamahal sa kalikasan na may natitira pang isang puno ng kahoy na sakop ng Bicol National Park sa bayan ng Basud, Camarines Norte. (We call it Mother tree. Ang circumference ay 37 persons extended arms around, considered na 300 years at oldest tree in Bicol and maybe in the whole island). ‘Yung isang tinumba, walang nagawa ang mga DENR dito. Please print this to for people who love nature. Ang theme: “Help conserve our Bicol National Park and propagate it, the only legacy of Basud.” Doc. Cerdena. Thanks po.    +63946843….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o itawag o i-text sa 092114303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply