Kawawang Pinoy PLDT stockholders

KAWAWA naman ang mga Pinoy na stockholder ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT).

Ang mga Pinoy ang may-ari ng 60% ng shares ng PLDT pero sila ay walang karapatang bumoto. Ang dayuhang stockholders lamang ang maaaring bumoto sa PLDT maski na 40% lamang ang kanilang shares of stock.

Saan ka naman nakakita ng isang korporasyon na ang minority (foreigners) ang tanging may karapatang magpatakbo ng kanilang kompanya at ang mga Pinoy ay ni walang kahit anong say sa kanyang sariling negosyo? Sa PLDT lang siguro.

Ang 40% na pag-aari ng mga foreigner ay kinabibilangan ng First Pacific ng Hong Kong at Indonesia, 26%, at Nippon Telegraph and Telephone Co. ng Japan, 21%.

Oooops, sorry, hindi lang pala 40% ang mga foreigner sa PLDT kung hindi 47%. Para yata tayong na-magic sa hatiang ito.

Ayon kasi sa batas, 40% lang ang maaaring ariin ng mga dayuhan pero paano ito naging 47%? Para yatang may maling arithmetic sa hatian na ito.

Ang pinaghihimutok ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ay ang mismong Securities and Exchange Commission (SEC) ang nagpasiya na ang 60% na hawak
ng mga Pinoy ay non-voting lang.

Ayon kay Carpio, ito’y isang violation ng Foreign Investment Act, at kung ako ang inyong tatanungin, isa itong paglapastangan sa ating Constitution.

Ang sabi naman ni Associate Justice Maria Lourdes Sereno, siya mismo ay nababahala sa comment ni dating Finance Secretary Gary Teves na 11 members of the PLDT board of stockholders ay elected ng mga foreigner.

Sereno said it needed to be clarified because the statement of Teves is disconcerting. Ang abogado naman ng PLDT na si Victor Lazatin ay nagsabi na ang mga Filipino pa rin ang may kontrol nito kahit na 64% ang mga dayuhan.

Ano naman kaya ang gagawin ng Supreme Court ngayon sa hindi pagsunod ng SEC sa provision ng Constitution at Foreign Investments Act?

Mabigat na labanan ito dahil pader ang babanggain ng Hukuman sa isyung ito. Ang PLDT ay kontrolado ng First Pacific, Smart Telecoms, TV at radio Channel 5, Business World, Philex Mining, Piltel, MRT, at, ang balita ko, ay pati College Assurance Plan.

Pero teka, bakit kasama ang TV at radio station ng Channel 5 at Business World? Hindi ba bawal ang tri-media at lalong bawal ang foreigner sa mass media?

Sana ay maungkat ito sa next SC hearing para maliwanagan nating lahat ang puno’t dulo ng foreign investments ng PLDT sa iba’t ibang negosyong pinapasok nito sa bansa natin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply