Kaysa tsugihin ng manager, extra na lang ang tinitira ng aktor!

BUHAY na ang career ng magaling na aktor sa isang malaking TV network. Hindi siya nawawalan nang project. Pero may kapalit naman ang lahat. Hindi siya puwedeng makipagrelasyon sa babae, or else, mawawala ang lahat ng kanyang kasaganaan at karangyaan sa buhay.

Mahigpit kasi ang baklitang TV executive na may hawak sa kanya. Gusto n’ya sa kanya lang ang notes ng aktor. Kahit nga yung umaastang manager ng aktor ay ‘di man lang makahimas sa una dahil wala siyang karapatang gawin ito at baka pati siya ay matsugi. Ang papel ng badingding ay maging front lang ng mas powerful na executive sa pamamahala sa magaling umarteng aktor.

Pero dahil likas sa binata ang tumikim ng girlita, pinagtitiyagaan na lang nito ang mga extra sa pelikulang ginagawa nya. Wala raw pili ang damuho, basta may butas, pasak! Hahaha!

Oks naman daw ‘yun sa executive. Basta ang importante hindi makipagmabutihan sa babae ang aktor. Magpakasawa siya sa patikim-tikim pero ang ma-in-love ay bawal.

***

Kathryn madalas umakyat ng kay Daniel

TALAGANG seryoso na nga yata ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, huh! Hindi lamang on-cam kundi pati off-cam ay madalas silang magkasama.

Pero baliktad yata ang sistema. Ayon sa kwento ng aming source, si Kathryn mismo ang umaakyat ng ligaw kay Daniel? Oo, parati raw na pumupunta ng Pasig ang dalaga para bisitahin ang kanyang labs na binata ni Carla Estrada.

Ang kawawa ay yung driver ni Kathryn. Baka magka-dengue ito dahil laging pinagtitripan ng malalaking lamok sa kahihintay sa labas ng bahay sa dalaga. Hehehe!

Wag masyadong seryoso ining at utoy, sayang ang career, at masyado pa kayong mga bata para sa bagay na ‘to.

Samantalahin ang pagkakataon habang mainit pa ang mga career ninyo. Okey?

***

Batang babae, nilalangoy ang dagat makapag-aral lang

HABANG ang mga estudyante sa siyudad ay abala sa pag-‘update’ ng kanilang Facebook accounts at pagpapabili sa mga magulang ng latest gadgets, maraming kabataan sa bansa ang malaki ang sinasakripisyo makapag-aral lamang.

Halimbawa nito ay ang nakaaantig na kuwento ng batang si Rizza (Abby Bautista) na araw-araw ay nilalangoy ang dagat makapasok lang eskwela. Bagama’t biglang huminto sa pag-aaral ang iniidolo niyang kuya, hindi pinanghinaan ng loob si Rizza upang tuparin ang pangarap na magka-diploma.

Kasama ni Abby sa “MMK” episode sina Arjo Atayde, Abby Bautista, Lito Pimentel, Ana Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, at Crispin Pineda. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Mark Angos, at sa direksyon ni Rechie Del Carmen.

Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.”

Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply