KC Concepcion at Piolo Pascual nag-iwasan sa The Buzz

UY! Alam kaya ni KC Concepcion na guest din noong araw na ‘yun sa The Buzz ang ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual kaya naka-black outfit siya?

At dahil pareho kaming nasa studio ng The Buzz ni BFFT Pete A., napansin naming sinadya talagang iwasan ni KC na magkita sila ni Piolo. Para hindi na rin sila magtagpo ay naunang isinalang ang morenong aktor sa interview. At nang masiguro na ni KC na nakaalis na sa ABS-CBN ang kanyang ex ay saka lang siya lumabas sa kanyang dressing room at isinalang na rin sa interview niya kay Charlene Gonzales.

Habang nagchi-chikahan sila ng mama ni Aga Muhlach, kapansin-pansin na mas lalong gumanda at sum-sexy ngayon ang young singer-actress/host na umaming nakikipag-date na pero mas priority ang career kaysa sa kanyang lovelife. Gusto kasi ni KC kung sino yung lalaking sasagutin niya at magiging boyfriend ay yun na rin ang kanyang pakakasalan.

Ayaw na raw nito nang mag-on tapos magbi-break lang. Well, great decision. At sa aming palagay ay mag tatagumpay rin ang loving daughter ni ‘Nay Sharon Cuneta lalo pa’t tapat naman siya kung magmahal.

By the way, pinasasalamatan pala ni KC ang lahat ng viewers nila sa kauumpisa pa lang na Reality Talent show na X Factor na napapanood every Saturday, (after Maalala Mo Kaya) and Sunday (pagkatapos ng Sarah G. Live) sa Kapamilya network. Mataas ang rating nila kaya’t very happy si Kassandra kahit walang lovelife. Well, keep it up and congrats gyud!

***

Kasikatan ng ‘May Bukas Pa’ puwedeng lampasan ng ‘Lorenzo’s Time’

WITH good story, excellent casts led by Zaijan Jaranilla, plus magagaling na writers, directors at taglay na midas touch ni Sir Deo Edrinal, walang rason para hindi tangkilikin ng televiewers ang bagong teleserye ni Zaijan na Lorenzo’s Time na mapapanood na simula July 2 sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

Yes, kakaiba ang atake nito at wala pang nakagagawa ng ganitong klaseng teleserye sa telebisyon. Iikot ang kuwento sa batang Lorenzo, portrayed by Zaijan na simula sa pagkabata ay may sakit na “progeria.” Ang sakit na ito ay isang pambihirang genetic condition kung saan nagmumukhang matanda ang isang bata. At upang mapahaba ang kanyang buhay, kinakailangan isailalim si Enzo sa proseso ng cryonics, hangga’t makahanap ang kanyang mga magulang ng lunas sa kanyang sakit.

After 30 years ay muling magigising si Enzo at haharapin ang katotohanang marami nang binago ang panahon, kabilang na ang kanyang pamilya at kaisa-isang babaeng inibig niya. Ang bagong tuklas na child star ng ABS CBN na si Belle Mariano ang gaganap na batang Kathy at sa pagdadalaga nito gagampanan naman nang buong husay ng batikang TV host-actress na si Carmina Villaruel. Yes!, silang dalawa ni Zaijan ang magka-love team rito sa Lorenzo’s Time.

At nang tanungin si Carmina during their grand presscon kung hindi ba siya nawi-weirdohan na batang katulad ni Zaijan ang kanyang ka-loveteam, sagot ng magaling na actress ay hindi. Sobrang nag-enjoy at na-excite nga raw siya at matagal na rin siyang tagahanga ni Zaijan simula pa noong May Bukas Pa, kaya nga raw niya tinanggap ang project ay dahil nang i-present ito sa kanila ng manager na si Tita Dolor Guevarra ay nagustuhan niya at na-inlab siya sa story nito.

Matitindi rin ang mga stars na susuporta kina Zaijan at Carmina. Nariyan sina Ms. Gina Pareno, Joel Torre, Alfred Vargas, James Blanco, Rommel Padilla at Ms. Amy Austria-Ventura at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply