Kelot kritikal matapos hampasin ng bato ng kainuman

KRITIKAL ang isang kelot matapos paghahampasin ng bato sa ulo ng kapitbahay nang magkakulitan habang nag-iinuman sa Caloocan City Linggo ng medaling araw, Hunyo 10.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsala sa noo at kaliwang mata si Edgar Adren Florez, 22 ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Leopoldo Garcia, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nag-iinuman ang biktima at suspek sa basketball court sa nasabing lugar nang magkakulitan hanggang sa magsuntukan.

Nakadampot ng tipak na bato ang suspek sabay hataw sa noo at mata ng biktima na naging dahilan upang mawalan ng malay si Florez.

Dinala ang biktima sa EAMC habang tumakas naman ang suspek.

Samantala, patay ang isang lalaki matapos salubungin ng mga saksak ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City Sabado ng gabi, Hunyo 9.

Dead on arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng dalawang saksak sa dibdib si James Rasela, 29 ng Bayanihan st., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Macaneneng st., Bagong Barrio nang salubungin at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply