Kelot nanghalay, arestado sa Caloocan

KULONG ang isang tindero matapos ireklamo ng panghahalay ng isang 18 anyos na dalaga sa Caloocan City Lunes ng umaga, Hunyo 25.

Nakilala ang suspek na si Mobarak Karim, 20 ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang hindi pinangalanan, dakong alas-4 ng hapon noong Hunyo 22, 2012 nang pasukin siya ng suspek sa loob ng banyo sa pinapasukan Ukay-ukay sa Commercial Area ng Phase 4, kapwa ng Bagong Silang ng lungsod.

Sa salaysay ng biktima, pinagbantaan umano siya ng suspek na papatayin kapag pumalag, dahilan upang manahimik hanggang sa mahalay ng suspek.

Kinabukasan dakong alas-6 ng gabi ay muling tiyempuhan ng suspek sa banyo ang biktima at muling hinalay.

Kaninang umaga ay nagawa ng biktima na makapagsumbong sa kaibigan na naging dahilan upang samahan na magreklamo sa presinto na ikinadakip ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply