Kelot, nabasted naghagis ng granada: 6 sugatan

ANIM katao ang sugatan makaraang sumabog ang granada na umano’y inihagis ng isang lalaking nabasted ng nililigawang dalaga sa Tarlac City.

Ayon kay “Irish,” isa sa mga nasugatan, may limang buwan na silang magka-text ng suspek na si Jesus Rayray.

Pinipilit daw siya nitong makipag-relasyon ngunit nang tanggihan niya ito ay nagalit at naglabas ng granada at saka inihagis.

Bukod kay Irish,  nasugatan din ang suspek pati ang rumespondeng pulis at tatlo pang sibilyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply