Kelot nilamon ng cement mixer, patay

WASAK ang bungo at halos hindi na makilala ang isang lalaki matapos na magiling sa cement mixer sa Sitio Eskina Binabag, Barangay Estaca sa bayan ng Compostela, Cebu.

Palaisipan pa rin sa pulisya ang biglang paggana o pag-andar ng cement mixer na kumitil kay Jonathan Condina Rondina, 31, residente ng nasabing lugar, helper ng John Joseph Hollowblocks and Merchandise.

Nabatid sa ulat, na nalilinis ni Rondina ang nasabing mixer nang bigla itong umandar at kainin ang biktima hanggang sa tuluyang magiling.

Sa report ng Compostela Police Station, ayon sa kasamahan ni Rondina na si Rodeil Bakadjay, nagsisigaw ang biktima dahilan para siya’y mag-panic at tumakbo palabas ng pagawaan ng hollowblocks upang makahingi ng tulong sa iba pa nilang mga kasamahan.

Isang Renelito Rojo, katrabaho ni Rondina ang nagpatay sa mixer pero huli na ang lahat dahil nagiling na ang katawan ng biktima.

Inilagak na ang bangkay ng biktima sa punerarya habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply