Kelot nalaglag mula sa billboard, kritikal

ISANG hindi pa nakikilalang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan ngayon sa ospital matapos mahulog sa billboard sa Balintawak,Quezon City kaninang hatinggabi Hunyo 25,2012.

Inilarawan ng mga opisyal ng barangay sa lugar ang lalaki na nasa 30 hanggang 35 anyos, 5’5 hanggang 5’8 ang taas, nakasuot ng t-shirt na kulay asul at naka short pants.

Ayon kay Barangay Tanod Rolando Gomez dakong 8:00 ng gabi kagabi ng makitang  umakyat sa billboard ng Clover leaf,Balintawak,QC ang lalaki.

Sinabi pa sa ulat na dakong alas 12:00 ng hating gabi nang ire-rescue na sana ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City at Department of Public Order and Safety (DPOS) ang lalaki.

Subalit sa hindi inaasahan umulan sa lugar at bababa na sana ang lalaki nang madulas ito at bumagsak mula sa may 100 feet na taas na billboard .

Nagtamo ang biktima ng mga fracture sa kanyang balakang , sugat sa ulo at galos sa katawan.

Kasalukuyan ngayon  kritikal ang naturang lalaki at patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply