Kelot nalunod tepok, 4 malubha sa Ilo-ilo

NASAWI ang isang lalaki habang apat ang nasa malubhang kalagayan makaraang malunod sa beach resort sa Poblacion South sa Oton, Iloilo.

Nabatid na dead on arrival sa Saviour International Hospital ang biktimang si Rodolfo Gabarra habang nasa intensive care unit (ICU) pa rin sina Erven Gabarra, 35; Rodolfo Ladiana, 52; at magpinsang sina Mark Paul at Rodnel Gabarra, kapwa 11-anyos.

Nasa tabing dagat at naliligo lamang sa Anhawan Beach Resort ang magkakamag-anak nang biglang nagkaroon ng malaking alon at tangayin sina Mark Paul at Rodnel Gabarra, na kapwa hindi marunong lumangoy.

Sinagip ng mga tiyuhin nitong sina Rodolfo Gabarra Jr. Erven Gabarra at Rodolfo Ladiana ang dalawa ngunit dahil sa lakas ng alon ay nalunod ang mga ito dahilan upang sumaklolo na rin ang mga kalapit na residente sa naturang lugar.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang management ng nabanggit na beach resort sa insidente dahil nagpapatuloy pa rin umano ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply