Kelot nilikida sa tapat ng mall sa Malabon

TODAS agad ang isang lalaki matapos pagbabariln ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay pasakay ng kanyang motor kaninang umaga sa tapat ng mall sa Barangay Longos Malabon City.

Dead on the spot si Jimper Montallana, nasa hustong gulang ng Quezon City, sanhi ng mga tama ng punglo ng kalibre 45 at 9mm caliber sa mukha at sa iba’t ibang parte ng katawan habang nakadagan pa sa katawan ang motor nito.

Base sa ulat ni Sr.Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon police, dakong alas-11:05 kaninang umaga ng maganap ang pamamaril sa tapat ng Malabon City Square ng nasabing barangay.

Nabatid na hinatid ng biktima ang kanyang live-in partner na kawani ng Robinson Department Store sa nasabing mall at habang pinapaandar nito ang kanyang motor (3554) ay apat na kalalakihan ang biglang lumapit at pinagbabaril ang biktima

Nakarekober ang mga awtoridad ang limang basyo ng kalibre 45 at 9mm na ginamit ng mga salarin

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply