Kelot patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Kyusi

DEAD on arrival ang isang lalaki habang dalawa pa ang sugatan sa pamamaril sa Quezon City kaninang madaling araw.

Namatay si John-John Pingol nang habulin at pagbabarilin makaraang magnakaw umano ng dalawang Chihuahua sa Congressional Village.

Ginagamot naman sa kasalukuyan ang mga mga kasama nitong nasugatan sa Quezon City General Hospital (QCGH) na nakilalang si Jovit Canilario at Melchor Aguilar.

Ayon kay PO3 Joyce Marcelo ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3, umamin na ang isa sa mga biktima kaugnay ng ginawang pagnanakaw.

Kwento pa aniya nito, paalis na sana sila nang sitahin at habulin ng hindi nakilalang suspek saka pinagbabaril.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen at pinaghahanap na ang suspek na hindi naman matiyak kung may-ari nga ng mga ninakaw na aso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply