Kelot sinuwag ng bus sa Makati, todas

NAGSASAGAWA pa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Pasay City Traffic Enforcement kaugnay sa hindi pa kilalang lalaki na nabiktima ang hit-and-run sa Makati City, kaninang umaga.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:00 ng umaga sa Marconi St., Gil Puyat Avenue, Barangay Palanan, Makati City.

Nabatid na ang hindi pa kilalang lalaki ay tumatawid sa naturang lugar nang mabundol ng rumaragasang BBL Bus na may plakang PYT 548 na nagresulta sa pagkabasag ng bungo ng biktima.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa naiaalis ang bangkay na basag ang bungo na nagkabulagta sa lugar.

Pinaghahanap naman ang tumakas drayber na inabandona ang sasakyan sa bahagi ng Police Community Precinct 2 ng Pasay City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply