Kelot tigok sa Bicol Express

ISANG lalaki ang patay makaraang makaladkad ng tren madaling araw ng Martes, Hunyo 5 sa Lupi, Camarines Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Bolter Estrella, 37 anyos, residente ng Zone 7 Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lasing diumano ang biktima at pinaniniwalaang inabutan ng antok sa riles dahilan upang hindi na mapansin ang paparating na tren ng Bicol Express galing Maynila.

Ang biktima ay nakaladkad pa ng ilang metro dahilan upang magkalasog-lasog ang katawan nito at mapugutan ng ulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply