Kelot, tinaga ng hipag

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki makaraang tagain ng kanyang hipag matapos maungkat ang hindi magandang relasyon ng pamilya sa South Cotobato.

Nilalapatan ng lunas ospital ang biktima na kinilalang si Randy Claus, 33, may asawa at naninirahan sa barangay Rang-ay bayan ng Banga, South Cotabatobunga ng malalim na tama ng taga sa ulo.

Batay sa ulat ng awtoridad, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang hipag na kinilala namang si Diel Dasan 22, at naninirahan din sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulis, napag-alaman na habang nag-iinuman ang  dalawa, nagkaroon ng ma-initang pagtatalo ang biktima at ang suspek dahil sa away sa pamilya hanggang nakakuha ng itak ang hipag na nauwi sa pananaga sa ulo at balikat ang biktima.

Nang makitang duguan, nakahandusay ang biktima dali-daling tumakas ang suspek sa di pa malamang direksyon at iniwan ang armas sa tabi ng bayaw.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya sa suspect habang hinahanda naman ang kaso laban dito

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply