Parak nagpanggap na bebot, cop killer tiklo

NADAKIP ang isang kilabot na cop killer na responsable sa pagpatay sa tatlong kagawad ng PNP sa lungsod ng Dinas, lalawigan ng Zamboanga del Sur, nang magpanggap na babae ang isang pulis.

Inihayag ni PNP Provincial Director William Manzan na isang malaking tagumpay para sa kanilang hanay ang pagtumba sa isang Muhammar Mama Bantilan alyas Totong Angeles na may warrant of arrest sa kasong murder

Nabatid na upang maisakatuparan ang kanilang pakay ay isang dragnet operation ang ikinasa laban sa sinusundang leader ng mga criminal group at itinuturong suspek sa pagpatay ng tatlong pulis ng Pagadian at ilang mga vendor sa naturang lugar para sa ikadarakip ng suspek.

Si Angeles diumano ang kilalang namumuno sa mga lawless criminal group na nag-o-operate sa Pagadian City at ilang lugar sa Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Isinalaysay mismo ni Deputy Police Chief Harry Velez ng Dinas PNP ang ginawa nitong taktika para mahuli nito si Angeles kung saan ay kailangan pa niyang magpanggap na babae sa kanyang pag-iimbestiga sa loob ng tatlong linggo sa itinuturong lungga nito sa Barangay Binuatan sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply