Kilos protesta ng mga health workers, nakaamba

NAGBABALA ang samahan ng mga health workers sa Philippine Orthopedic Center tuluy-tuloy na kilos protests ang kanilang ilulunsad  kasama ng iba pang mga maggagawa sa mga pagamutan para itulak ang gobyerno na ibigay ang kanilang  hazard pay at iba pang benepisyong nakasaad sa Republic Act 7305 o ang Magna Carta of Public Health Workers.

Sinabi ng mga miyembro ng  National Orthopedic Hospital Workers Union- Alliance of Health Workers na  sunod sunod na mga kilos protesta ng mga health workers ang ilulunsad sa darating araw  sa buong bansa.

Huli dito ay ang kanilang noise barrage at piket sa Philippine Orthopedic Center noong Myerkules . Nangako din ang grupo na lalahok sila  sa mga mobilisasyong ikinakasa ng AHW sa susunod na linggo, pangunahin dito ay ang malaking rali sa trangkahan ng DOH sa  ika 2 ng Hulyo, 2012.

Ayon sa NOHWU-AHW, anim na buwan nang iniipit ng Malakanyang sa pamamagitan ni DBM Secretary Florencio Abad at ni DOH Secretary Ona ang mga nasabing benipisyo.

Gutom at kahirapan na raw ang nararanasan ngayon ng mga health workers at marami sa kanila ang lubog na sa utang. Nag-banta sila ng tuloy tuloy na pagkilos ang kanilang gagawin hanggat hindi ibinibigay ng gobyerno ang kanilang mga benepisyo.

“Hindi ito usapin ng pera pera lang, ito ay laban upang bawiin namin an gaming mga dignidad na pilit inaagaw sa amin ng pamahalaang Aquino” pagtatapos ng grupo.

 

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply