King James tatapusin ang Thunder

ISANG panalo na lang at matutupad na ang matagal ng pangarap ni basketball superstar LeBron James na makakuha ng championship ring.

Sa siyam na season, pangatlong beses pa lang ni reigning NBA MVP James na naglaro sa championship.

Unang finals appearance ni James ay noong 2007, nasa Cleveland Cavaliers pa siya kung saan ay binokya sila ng San Antonio Spurs.

Nasa Miami na si James noong 2010 at nakaraang season ay nalasap niya ang pangalawang kabiguan sa Finals kontra Dallas Mavericks.

Kaya naman matapos ang 104-98 win ng Heat sa Oklahoma City Thunder sa Game 4 para ilista ang 3-1 bentahe ng Miami ay lumakas ang tsansa ni James na makatikim ng kampeonato.

”I have a job to do,” sabi ni James. ”And my job is not done.”

Nakatakdang tapusin ni James ang kanyang misyon bukas, (Hunyo 22) sa pagpapatuloy ng Game 5 ng 2011-12 NBA best-of-seven series Finals.

”I have no idea what I’ll say before we go out there,” sabi ng tinaguriang King James habang minamasahe ang kanyang leg na nag cramps sa laban nila sa Game 4. ”It kind of just comes to me when I’m getting ready to go out there and stand on the floor. But hopefully whatever I say will inspire our guys to go out and give a good show.”

Sa Game 4 ay tumikada ng pamatay na tres si three-time NBA MVP James at saka inilabas ito ni coach Erik Spoelstra dahil namimilipit na sa sakit ang hita ng kanyang star player.

Sa huling isang minuto ng laban ay pinanood na lamang ni James sina Dwyane Wade at Mario Chalmers na naging susi ng kanilang panalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply