Kinidnap na bata sa Laguna nasagip ng NBI

SA WAKAS ay na-rescue na rin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Myanmar na batang lalaki na dinukot mismo sa kanyang school service sa Binan, Laguna ilang araw na ang nakalilipas.

Ayon sa NBI counter Terrorism Unit, ang biktima na si Reynald Chew ay na-rescue sa isang safe-house sa may subdivision sa Tanay, Rizal.

Nakatangap umano ng impormasyon ang ahensya sa kinaroroonan ng biktima kaya isinailalim ito sa surveillance.

Matatandaan na sakay ng school service ang bata at papasok ito sa eskuwelahan ng dukutin ng mga lalaking armado ng high-powered firearm.

Sa ngayon, inaalam pa ng NBI kung sino ang nasa likod ng pangingidnap sa biktima na tadtad ng kagat ng lamok sa kamay at paa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply