Klase sa elementarya sa Baguio City suspendido

SUSPENDIDO ngayon ang klase sa pre-school at elementarya sa Baguio City, kung saan nakataas ang storm signal number 1 dahil sa masamang panahon bunsod ng bagyong Dindo.

Ang pagsususpinde sa klase ay dahil sa pabugso-bugsong ulan sa lungsod at kasunod na rin ng babala ng PAGASA na malaki ang posibilidad na maranasan ang mas malakas na ulan sa mga susunod na oras.

Nakaalerto naman ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) at mahigpit nilang binabantayan ang kalagayan ng panahon.

Samantala, sa ngayon ay nananatiling bukas ang lahat ng mga pangunahing kalsada na papasok at palabas ng summer capital of the Philippines.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply