Klase sa La Union sinuspinde dahil sa sama ng panahon

SUSPINDIDO na ang klase sa buong lalawigan ng La Union ayon sa Department of Education (DepEd-La Union), dahil sa masamang lagay ng panahon.

Patuloy na nakararanas ngayon ng malalakas at pabugso-bugsong pag-ulan ang buong lalawigan na nagdulot na ng baha sa ilang pangunahin kalsada lalo na sa lungsod ng San Fernando.

Nagpaalala namang ang Office of Civil Defense Regional Office-1 sa mga taga-Ilocos region na mag-ingat at maging alerto dahil sa posibilidad na magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang malalakas na pag-ulan.

Pinayuhan din ng OCD Nagbang ang mga mangingisda na huwag na munang pumalaot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply